Sabado, Oktubre 15, 2011

Talambuhay

     Ako ay si Ann Sherina Barcelona. Nakatira sa Brgy. Tinejero, Pulilan, Bulacan. Anak nina Rowena Barcelona at Remigio Barcelona Jr. May isang kapatid na nagngangalang Johnwin Barcelona. Ako ay nagtapos ng elementarya sa Pulilan Central School at sekundarya sa St. Dominic Academy. Ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral ng kolehiyo sa Bulacan State University, Malolos, Bulacan sa kursong Ibformation Technology. Pursigido akong makatapos dahil umaasa sa akin ang aking mga magulang. Lagi nila akong pinaaalalahanan na mag-aral akong mabuti upang umunlad ang aking buhay kapag wala na sila. Kahit na ako ay nahihirapan sa aking kurso, hindi ito hadlang para makamit ko ang aking pangarap. Batid ko na sa huli magtatagumpay ako at mabibigyan ko ng magandang buhay ang aking ama't ina.

Karanasan sa Bagyo (Sanaysay)

     Matindi ang pananalasa ng bagyong Pedring at Quiel sa ating bansa. Lalung lalo na sa mga lugar na sakop ng Central Luzon, gaya ng Bulacan. Takot ang nanaig sa akin lalo na ang mga tao na nasa Hagonoy at Calumpit. Naaburido rin ako sapagkat nawalan ng kuryente sa aming lugar. Ang mga gawaing akin dapat gagawin sa araw na iyon ay hindi ko nagawa. Ang lakas ng hangin na taglay ni Pedring ay nakapinsala ng maraming pananim aming lugar at nakapinsala ng maraming imprastraktura sa ating bansa. Ang iba ay nawalan ng pag-asa ng makaahon pa sa kalamidad ng kanilang naranasan. Bunga nito, lungkot naman ang nadama ko para sa kanila. Ngunit ang mga Pilipino ay sadyang matulungin. Handang mamahagi ng mga bagay na makatutulong sa kapwa, lao na sa panahon na 'di makaahon sa kahirapang dinaranas ang mga Pilipino.

Maikling Kwento (Kalikasan: Baha)

     Si Rumi ay mahilig magrumi ng kapaligiran. Hindi niya alintana ang kalat na kanyang tinatapon sa kahit saan mang lugar. Nagbara na ang kanilang kanal dahil sa kalat na kanyang itinatapon. Isang gabi, habang siya ay mahimbing na natutulog, bumuhos ang malakas na ulan. Pagkagising niya sa umaga, binaha ang lugar nila. Ang mga kalat na kanyang itinapon ay pumasok sa kanilang bahay. Nagulantang siya sa mga pangyayari. Nagsisi siya na kung hindi siya makalat, hindi babaha sa kanilang lugar. Pagkahupa ng baha, agad siyang tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay at ng kanilang barangay. Mula noon, hindi na nagkalat si Rumi. 

Maikling Kwento (PAG-IBIG: Pangarap Na Lang)

         May isang babaeng naghahangad ng magandang relasyon sa isang lalaki ngunit ang pangarap niyang ito ay hindi pa natutupad. Naiingit siya sa mga nakikita niyang mga magkasintahan na hawak-kamay pang naglalakad sa kanyang harapan. Hangad niya na isang araw ay dumating na ang lalaking hindi siya sasaktan at hindi siya pababayaan. Ayaw na niya ng relasyong siya pa ang obligadong umintindi sa bawat tampuhan at bawat 'di pagkakaintindihan. Mayroon siyang kaibigan, siya si POKNAT. Si Poknat ay matagal ng may gusto sa kanya, si PANGS. Ang mga katangian ni Poknat ay mahahalintulad sa simpelng lalaki, payat, gwapo, may kaya, ngunit babaero. Ayaw sa kanya ni Pangs, ngunit sa pagpapa-cute ni Poknat, sa konting banat ng linya ng pag-ibig, at sa mga effort ni Poknat, nahulog ang loob niya dito. Alam niyang masasaktan siya dito ngunit nagpatuloy pa rin siyang pasukin ang pakikipagrelasyon kay Poknat. "Pangakong ikaw lang, at ikaw lang babaeng iibigin ko, Pangs." Ito ang mga matatamis na salitang umukit sa kanyang utak. Naging masaya ang mga araw na nagdaan, hanggang sa isang raw nakita ni Pangs na may kasama si Poknat na ibang babae. Nagdilim ang paningin ni Pangs. Pinuntahan niya ang dalawa. "Excuse me." sabi ni Pangs. "Boyfriend mo rin siya?. Naks, demanding pala boyfriend natin!. Gusto ng dalawa. Ang kapal ng muka." Hindi nakapagsalita ang dalawa at walang anu-ano'y umalis na si Pangs. Masakit, pero kailangang tanggapin na wala na talagang matinong lalake sa mundo. Kung mayroon man, sana dumami ito. Kawawa ang mga babaeng nagmamahal ng totoo. Kawawa rin ang mga lalaking hindi marunong makuntento.

Maikling Kwento (Wikang Filipino: Si Filipo)

     Habang naglalakad si Filipino sa kabayanan. napansin niya ang turista na nakapalibot sa isang dukhang Pilipino. "Hey! You foll and poor Filipino!." Agad niyang pinuntahan ang mga ito agad binatid, "Mawalang galang na mga kulay ulap na kapatid, ako'y isa ring Pilipino, kayo'y nasa aming teritoryo. Nais ko lamang na inyong mabatid sa inyong kaisipan na ang mga Pilipino'y may angking kalinangan na 'di mapupukaw ng anumang nilalang gaya ninyo." Napatulala ang mga ito sapagkat 'd inila alam ang nasamabit ni Filipo. "What did you say?" animo nila. "He is not a fool you are." sambit ni Filipo sabay alis na parang walang nangyari. Napahiya ang mga turista sa harap ng kanilang kinukutya.



Ang Alamat ng Mouse

     May isang dagang namamasyal sa kagubatan. Ito ay pilosopo at makulit na daga. Lagi itong napapaaway kahit na ubod niya ng liit. Habang siya ay naglalakad, nasalubong niya ang isang uugud-ugod na pusa. Agad niya itong kinutsa. "Hoy panget! PAYATOT!." "Mabaho na nga, uugud-ugod pa! Hahaha!." Turo sa tiyan, turo sa matang namumula, turo sa mga sugat. Lahat ng kapintas-pintas ay tinuro niya. Wala siyang awang kinutsa at inalipusta ang pusa kahit mas malaki ito sa kanya, hanggang ang pusa ay nagsalita na."Dahil sa ugali mo, lahat ng hayop ay may poot at galit sa'yo!. Dapat sayo ay binibigyan ng leksyon!" Napatigil at napanganga ang munting daga. Biglang nagliwanag at unti-unting nagbago ang mga anyo niya. "Gagawin kitang kapaki-pakinabang sa tao, tutal ay turo ka ng turo sa lahat kapintasan ko," Ilang saglit lang ay naging plastik ang daga at naging kagamitan kasama ng computer. Tinawag itong mouse.